Sinopsis
Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.
Episodios
-
Episode 491: "Talyer"
13/06/2025 Duración: 42minKapag ang tao ay may problema, dapat alam niya ang kaibahan ng mali sa tama. Dahil may punto na siya'y malilito lalo na kung ang puso ay hindi sigurado sa gusto. Pakinggan ang kwento ni Jason sa Barangay Love Stories.
-
Episode 490: "Baliktaran"
11/06/2025 Duración: 48minNag-iiba ang isang sitwasyon kapag nangigibabaw ang emosyon. Ang nararamdaman ay nagiging kabaliktaran kapag kasali na ang puso sa usapan. Pakinggan ang kwento ni Minet sa Barangay Love Stories.
-
Episode 489: "Board Exam"
09/06/2025 Duración: 01h06minDahil sa pabayang ate ni Shiela, kinailangan niyang magpaka-nanay para sa pamangkin niya. Mahirap ito para sa dalagang katulad niya pero nakaraos naman sila. Kaya nang nasa tamang edad na si Jared, hindi niya nakalimutang paalalahanan ang kanyang unico hijo na dapat ingatan niya ang kanyang nobya at ang mga kilos niya dahil mahirap maging magulang nang hindi handa. Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories.
-
Episode 488: "Pakiusap"
06/06/2025 Duración: 40minAng imposible ay maaaring maging posible basta may pananampalataya. Lahat ng bagay ay magagawa kapag may kasamang dasal at sapat na tiwala. Pakinggan ang kwento ni Junnie sa Barangay Love Stories.
-
Episode 487: "Itinagong Patawad"
04/06/2025 Duración: 47minTao lamang tayo na minsan'y nagagalit at nagtatampo. Pero hindi dapat ipinagdaramot ang kapatawaran dahil ang oras ay tumatakbo at baka ikaw ay iwan nito. Pakinggan ang kwento ni Lime sa Barangay Love Stories.
-
Episode 486: "Tsinelas"
02/06/2025 Duración: 55minMasarap lumaki sa isang masayang pamilya, yung may tamang kulit at disiplina - sa ganyang mag-anak namulat ang kambal na sina Borge at Kulot. Kahit mag-isa lang ang nanay Ida nila sa pagtataguyod sa kanilang dalawa, naging maayos at masaya naman sila. Pero dumating na ang panahon na kailangan na rin nilang bumukod para sa trabaho kaso mukhang hindi ata nila kayang iwan mag-isa ang kanilang mama. Pakinggan ang kwento ni Borge sa Barangay Love Stories.
-
Episode: 485: "Segue"
30/05/2025 Duración: 40minMay mga katotohanang magtutulak dapat sa iyo sa kabutihan. Pero kung hindi ka kikilos para umunlad, baka nasa iyo ang mali at hindi sa iyong paligid. Pakinggan ang kwento ni Franco sa Barangay Love Stories.
-
Episode 484:"Katuwang"
28/05/2025 Duración: 48minKapag ang katuwang sa buhay ay iyong natagpuan, meron ka nang kapareha, may karamay at kaibigan pa. Lahat ng pagsubok ay kayang lampasan basta’t gampanan mo lang ang iyong katungkulan. Pakinggan ang kwento ni Gido sa Barangay Love Stories.
-
Episode 483: "Wedding Planner"
26/05/2025 Duración: 55minWedding Planner ang kinukuha ng mga ikakasal para maibsan ang hirap nila sa pagpaplano. Pero imbes na magbigay linaw sa kasal, nagulo pa nga ata ni Jaime ang isip ng kanyang kliyente, dahil si groom, na-fall sa kanya. Napilitan lang na magpakasal si Ron kaya hindi talaga buo ang loob niya, sinubukan naman siyang kumbinsihin sana ni Jaime na baka wedding jitters lang iyon. Kaso imbes na malinawan, nagkaaminan pa ng feelings ang dalawang marupok. Pakinggan ang kwento ni Jaime sa Barangay Love Stories.
-
Episode 482: "Tambay"
23/05/2025 Duración: 59minKung ang tao na walang direksyon sa buhay ay makakatagpo ng pag-ibig na tunay, maaaring mag-iba ang ihip ng hangin at magkakaroon ng tuwid na layunin. Pakinggan ang kwento ni Chestnut sa Barangay Love Stories.
-
Episode 481: "Lipstick"
21/05/2025 Duración: 50minHuli na nang malaman ni George na pusong babae pala siya pero imbes na ikagalit ito ng asawa niya, tinawanan na lamang nila ito ni Mila. Kaso, si George, hindi na talaga kayang makiisa sa babae kaya pinalaya na siya ni misis. Hanggang sa isang araw, sinabi ni Mila na may bago na siyang jowa at mukhang ikakasal na ulit siya. Pakinggan ang kwento ni George sa Barangay Love Stories.
-
Episode 480: "Pandemic"
19/05/2025 Duración: 01h04minKatulad ng iba, may tinatagong pagtingin si Acela sa kanyang kababata kaso kapatid lang talaga ang turing sa kanya ni Greg. Ayos lang kay Acela iyon, tinutulungan niya pa nga si Greg sa tuwing kailangan nitong i-surprise ang girlfriend niya. Hanggang sa nagkaroon ng pandemic, napadalas ang pag-aaway ni Greg at ng kanyang gf. Bilang kapitbahay ni Acela si Greg, madalas itong nasa bahay nila. At nang magkainuman sila, hinayaan ni Acela na may mangyari sa kanilang dalawa. Nabuntis si Acela pero ayaw iyon panagutan ni Greg. At kahit alam niyang magagalit si Greg, pumayag si Acela na maikasal silang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Acela sa Barangay Love Stories.
-
Episode 479: "Namamangka"
16/05/2025 Duración: 46minAng pamamangka ay isang paraan para marating ang gustong lokasyon. Pero kapag sa dalawang ilog ito ginawa, siguradong malilito at 'di aabot sa tamang destinasyon. Pakinggan ang kwento ni Gianna sa Barangay Love Stories.
-
Episode 478: "Takdang Panahon"
14/05/2025 Duración: 46minHuwag habulin ang tao na lagi kang nilalayuan. Dahil kung siya ang itinakda ng panahon, hindi na kailangan pa ng habulan. Pakinggan ang kwento ni Brenda sa Barangay Love Stories.
-
Episode 477: "Kumare Goals"
12/05/2025Kung may mga mag-BFF, may super mega BFF din tulad nina Sharon at Glenda. Bilang magkaibigan marami na silang pinagsamahan kaya nang maging mag jowa ang mga pinakamamahal nilang anak, super na-excite talaga ang mga nanay na ito. Pero hindi sa lahat ng oras ay masaya ang relationship ng mga mag-jowa. At dahil babae ang anak ni Sharon, ayaw niya talagang dehado ang kanyang unica hija kaya ang away ng anak niya, giyera na para sa kanya! Pakinggan ang kwento ni Sharon sa Barangay Love Stories.
-
Episode 476: "Kinalabit ng Tadhana"
09/05/2025 Duración: 44minHuwag pakasigurado sa kinatatayuan ngayon dahil kapag tadhana ang nangalabit, magbabago ang sitwasyon. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories.
-
Episode 475: "Takbuhan"
07/05/2025 Duración: 46minAng mga taong takbuhan ay kadalasang naiiwan dahil karaniwan nilang binabaliktad ang silbi ng puso sa isipan. Pakinggan ang kwento ni Justin sa Barangay Love Stories.
-
Episode 474: "Pet Peeve"
05/05/2025 Duración: 54minMatalik na kaibigan ni Raya si Albie, nagtayo sila ng milk tea shop together at magkasama rin sila sa pagma-manage ng shop na iyon. Maayos ang business nila, maganda ang kita pero noon hanggang ngayon, issue kay Raya ang isa pang best friend ni Albie na si Gino. Chef si Gino at pet peeve siya ni Raya. Lahat ng ayaw ni Raya, ginagawa ni Gino para magpapansin, at ito namang si Albie medyo support din sa kaibigan niyang si Gino. Hanggang sa ang unti-unti ngang napalapit na si Raya at Gino sa isa’t-isa kaso nabulilyaso rin ito nang malaman ni Raya na gumawa ng dummy account si Gino para pagtripan siya sa chat. Pakinggan ang kwento ni Raya sa Barangay Love Stories.
-
Episode 473: "Nega"
02/05/2025 Duración: 42minBuksan ang puso't isipan para maunawaan ang hindi maintindihan. Marami nang problema sa mundo kaya 'wag nang dumagdag sa mga negatibo. Pakinggan ang kwento ni Mariel sa Barangay Love Stories.
-
Episode 472: "Santan"
30/04/2025 Duración: 49minItinatanim sa tahanan ang binhi ng pagmamahalan. Samahan pa ng sapat na alaga at dilig, magiging mayabong ang bunga ng pag-ibig. Pakinggan ang kwento ni Ahvi sa Barangay Love Stories.