Barangay Love Stories

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 609:06:25
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.

Episodios

  • Episode 511: "Timbangan"

    30/07/2025 Duración: 41min

    Timbangin mo ang kailangan ng iyong puso at isipan para ang mali ay maiwasan at ang tama ay matutunan. Pakinggan ang kwento ni Girlie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 510: "Island Girl"

    28/07/2025 Duración: 01h07min

    May mga naghahangad ng mapayapang buhay sa probinsya. Pero may mga naghahabol din sa maingay at magarbong buhay ng siyudad - isa na diyan si Elisha. Lumaki siya sa tabing dagat pero ultimate goal niya ang makarating at makapagtrabaho sa Maynila. Buti na lang at supportive ang mapagmahal niyang boyfriend sa kanyang pangarap. Masabayan kaya ni Elisha ang maraming alon na sasalubong sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Elisha sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 509: "Princess Treatment"

    25/07/2025 Duración: 45min

    Walang masama kung ituring kang prinsesa at umasta na parang prinsesa basta't marunong ka pa ring makisama at hindi nananakit ng iba. Pakinggan ang kwento ni Elias sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 508: 'Perslab'

    23/07/2025 Duración: 46min

    Ang una mong minahal ay bihirang malimutan kahit sabihin mo pang wala na siya sa iyong puso at isipan. Pakinggan ang kwento ni Renato sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 507: "Magkasama"

    21/07/2025 Duración: 01h08min

    Laki sa squatter ang magkapatid na sina Jimmy at Noah, mahirap ang buhay pero kinakaya naman nila. Kaso nang maulila silang dalawa, sabayan pa ng pagkasunog ng kanilang tinitirahan, mas lalong nalugmok ang buhay na matagal na nilang ginagapang. Ayaw ni Jimmy na humingi ng tulong sa mga may kaya nilang kamag-anak pero ang gusto ni Noah, ibaba muna niya ang pride niya para makahinga naman sila kahit konti. Para kay Jimmy, mahirap makisama sa iba, pero kailangan niya na sigurong baguhin ang pananaw niya para sa kanyang kapatid. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 506: "Damdamin ang Masusunod"

    18/07/2025 Duración: 47min

    May mga desisyon na dapat masusing pinag-aaralan. Pero kahit paulit-ulit pag-isipan, minsan'y damdamin pa rin ang pinakikinggan. Pakinggan ang kuwento ni Elias sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 505: "May Sayad"

    16/07/2025 Duración: 50min

    Masisira nang tuluyan ang isipan kung hindi kayang ibalik ang masayang nakaraan lalo na't paulit-ulit pang nasasaktan. Pakinggan ang kuwento ni Jomar sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 504: "Patas na Laban"

    14/07/2025 Duración: 56min

    Scammer ang mag-asawang si Brando at Jeny. Marami na silang naloko at malaki na rin ang kinikita nila rito. Pero nang tamaan ng konsensya si Jeny, napagdesisyunan na nilang magbago. Itutuwid na raw nila ang baluktot nilang pamumuhay, babalik na sila sa probinsya para makasama ang kanilang unica hija. Kaso hindi ganoon kadali magbago, nami-miss pa rin nila ang buhay sa Maynila. Gusto sana nilang magsimula ulit kaso hindi talaga siguro nakakalimot ang karma. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 503: "Mag-isa"

    11/07/2025 Duración: 42min

    Ang katotohanan ang magbibigay sa'yo ng kapayapaan pero minsan ito rin ang dahilan para maiwan kang mag-isa at luhaan. Pakinggan ang kwento ni Edmon sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 502: "Free Taste"

    09/07/2025 Duración: 46min

    Huwag kang choosy sa mga bagay na libre. Pwede mo naman itong tanggihan pero huwag na huwag mong pipintasan. Pakinggan ang kwento ni Laida sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 501: "Isang Mapalad"

    07/07/2025 Duración: 58min

    Normal na siguro sa magkakapatid ang paminsan-minsan na pag-aaway pero kung palaaway pa rin ang isa kahit tumanda na, parang may problema na ata. Mula pagkabata, mapang-asar at mapagkumpara na talaga si Natalie. Buti na lamang ay mapagpasensiya sina Oliver at Shanel. Sa tatlong magkakapatid, si Natalie lang ang ayaw mag-ambag sa kanilang tahanan. Hindi naman sana isyu iyon pero masyado niyang kinakalaban ang lahat dahil sa kagustuhan niyang umangat. Pakinggan ang kwento ni Shanel sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 500: "Maling Bintang"

    04/07/2025 Duración: 47min

    Huwag mangbintang ng isang tao kung walang pruweba na kongkreto. Isipin muna ang mga sasabihin para ang kapwa'y 'di malagay sa alanganin. Pakinggan ang kwento ni Joy sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 499: "Pusong Ina"

    02/07/2025 Duración: 54min

    Walang kapantay ang pagmamahal ng isang nanay. Sadyang magkaiba lang ang mga nakasanayan kaya minsan’y hindi magkaintindihan. Pakinggan ang kwento ni Hailey sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 498: "Oportunista"

    30/06/2025 Duración: 01h09min

    Mahirap tulungan makahanap ng love life ang taong gusto mo. 'Yung tipong ikaw na nga ang lumalapit pero iba talaga ang hanap-hanap ng kanyang puso. Ganyan ang sitwasyon ni Kit sa babaeng kanyang nagugustuhan. Pero nang magkaroon ng problema si Jana at ang kanyang jowa, kinuha ang pagkakataong iyon ni Kit para magpapogi kay Jana. Pakinggan ang kwento ni Kit sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 497: "Baliktad na Mundo"

    27/06/2025 Duración: 44min

    Habang nag-iiba ang mundo, nag-iiba rin ang sitwasyon, kaya sana sumabay ka sa agos ng mainam na pagbabago. Maaring maiksi ang pasensiya mo kahapon pero natuto ka na ngayon; bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong mapabuti sa paglipas ng panahon. Pakinggan ang kwento ni Kyle sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 496: "Bida-Bida"

    25/06/2025 Duración: 42min

    May sarili kang galing at natatangi ka sa iba kaya huwag paapekto sa mga taong bida-bida. Pero kapag si nanay na ang nagkompara, masakit naman iyon talaga. Pakinggan ang kwento ni Kleah sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 495: "Santo"

    23/06/2025 Duración: 01h06min

    Lahat ay malaya sa pagpili ng taong mamahalin pero kung may pamilya ka na, dapat huwag ka nang maghanap ng iba at alagaan mo na lang ang iyong pamilya. Ganyang sitwasyon sana ang gustong iwasan ni Jimmy kaso rumurupok talaga siya kapag sinusuyo na. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 494: Agawan

    20/06/2025 Duración: 41min

    Hindi masama na maghangad ang isang tao. Ang masama ay ang hangarin mong maghirap ang iba dahil akala mo sinaktan ka nila. Pakinggan ang kwento ni Donato sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 493: "Udlot"

    18/06/2025 Duración: 34min

    Kapag kulang sa lalim ang pagmamahalan, maaaring maudlot ang nasimulan. At kung hindi na ito mapagbibigyan, ang pag-ibig ay matutuldukan. Pakinggan ang kwento ni Kyla sa Barangay Love Stories.

  • Episode 492: "Dulo"

    16/06/2025 Duración: 57min

    Isang napakalaking biyaya kapag nakatagpo ka ng kaibigang totoo, maalaga, kwela, at supportive pa. Ganyan ang circle of friends na nahanap ni Mikki kay Trish at Jed. Sanggang-dikit silang tatlo hindi lang pagdating sa kanilang acads kun'di pati na rin sa hamon ng buhay. Kaya nang magtanan sina Jed at Trish, taos-puso pa rin silang tinulungan ng BFF nilang si Mikki. Pero simula pa lang pala iyon ng mga pagsubok na kakaharapin nilang tatlo. Pakinggan ang kwento ni Mikki sa Barangay Love Stories. 

página 8 de 33