Barangay Love Stories

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 609:06:25
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.

Episodios

  • Episode 471: "Sinturon"

    28/04/2025 Duración: 54min

    Hindi pa handa si Diony na magkaroon ng sariling pamilya pero dise-otso pa lamang siya ay pinakasal na siya ng mga magulang niya. Imbes na maging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-anak, pinagmalupitan sila ni Diony lalo na kung nalalasing ito. Masipag ang asawa ni Diony pero hindi niya iyon ikinatuwa, naging insecure siya kay Wendy. Hinila ni Diony ang pamilya niya sa kahirapan at pinalaki sa kamay na bakal ang kanyang mga anak hanggang sa biglang bawian ng buhay si Wendy. Pakinggan ang kwento ni Diony sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 470: "Ang Tatlong Marites"

    25/04/2025 Duración: 47min

    Ang mga tsismosa ay magaling manghusga kahit hindi alam ang buong istorya. Sila-sila lang din ang nagkakaintindihan kahit hindi naman alam ang buong katotohanan. Pakinggan ang kwento ni Jade sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 469: "'Di Inaasahan"

    23/04/2025 Duración: 42min

    Ang buhay ay walang kasiguraduhan lalo kung tadhana na ang pumaraan. Asahan na may mga gulat na mararanasan at baka balang araw, tatawanan mo na lang 'yan. Pakinggan ang kwento ni Issa sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 468: "Walang Patlang"

    21/04/2025 Duración: 44min

    Magiging malala ang isang alitan kung ang parehong panig ay nagpapataasan.  30 years nang hiwalay si Baby at Rogelio, kasal pa rin sila pero hindi na sila nagsasama. Naka move-on na raw si Baby pero nang bigla niyang makita ulit ang kanyang asawa, muling nagbalik ang galit at inis niya kay Rogelio. Pakinggan ang kwento ni Baby sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 467: "Supling"

    18/04/2025 Duración: 44min

    May mga tao na ayaw pa ng anak pero hindi ibig sabihin ay wala silang balak. Marahil ay hindi pa sila handa dahil ang mundong ginagalawan nila ay 'di ligtas para kanyang magiging anak. Pakinggan ang kwento ni Elmi sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 466: "Nabuhay na Puso"

    16/04/2025 Duración: 47min

    Ang wagas na pag-ibig kailan man'y hindi madadaig. Maaaring masanay na wala na siya sa iyong buhay pero ang pagmamahal na tunay ay ‘di mawawalay. Pakinggan ang kwento ni Annie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 465: "Pinaako na Responsibilidad"

    14/04/2025 Duración: 01h03min

    Sa Maynila nakikipagsapalaran ang mga taga-probinsya para makahanap ng trabaho, tulad ni Kristel at ng asawa niyang si Abel. Pero dahil lumalaki na ang kanilang mga anak at mas magastos na ang pamumuhay sa Maynila, nagdesisyon silang umuwi na sa probinsya ni Abel sa pag-asang mas gagaan ang pamumuhay nila doon. Sa kasamaang palad, hindi naging madali ang pagsisimula nilang muli sa probinsiya pero wala naman na silang ibang choice kun’di ang lumaban ulit sa buhay at magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Kristel sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 464: "Breaktime"

    11/04/2025 Duración: 43min

    Ang relasyon ay maikukumpara sa trabaho minsan. Kailangan mo din ng breaktime para mag-recharge at muling sumabak sa laban. Pakinggan ang kwento ni Leena sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 463: "Iginuhit sa Palad"

    09/04/2025 Duración: 50min

    Hindi nakaguhit sa palad ang ating kapalaran kaya anumang pagsubok ay hindi dapat atrasan. Ang buhay ay isang malaking laban at walang mapapala kung ito'y susukuan. Pakinggan ang kwento ni Leena sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 462: "Sampaguita"

    07/04/2025 Duración: 01h09min

    Maalagang anak si Anthony, pangarap niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga magulang. Pero naging malungkot ang mundo nang biglang pumanaw ang kanyang ama. Para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay, pinaupahan nila ang opisinang naiwan ng kanyang tatay. Agad namang nakahanap ng uupa ang kanyang ina, walang iba kun’di ang BFF nitong si Bebang. Bakla si Bebang at malalim ang pinagsamahan nila ng nanay ni Anthony. Kaso si Anthony, may malalim na galit pala sa mga bakla at wala pang sinuman ang nakakaalam ng sikreto niyang iyon. Pakinggan ang kwento ni Anthony sa Barangay Love Stories.

  • Episode 461: "Kita-kits"

    04/04/2025 Duración: 55min

    Mahirap mawalay nang matagal sa taong minamahal. Pero malayo man kayo sa isa't-isa, buo ang pag-asa sa inyong muling pagkikita. Pakinggan ang kwento ni Rowan sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 460: "Sabay"

    02/04/2025 Duración: 48min

    Hindi mo madarama na ikaw ay malaya kung sa simula pa lang ng relasyon ay may hindi na tama. Ganyan ang pakiramdam ni Ehra dahil nagpalandi siya sa boyfriend ng empleyado niya. Pakinggan ang kwento ni Ehra sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 459: "Jumper"

    31/03/2025 Duración: 53min

    Walang masama kung gugustuhin mong magkaroon ng mayamang karelasyon. Pero kung plano mo lang gamitin ang pera ng jowa mo at hindi mo talaga siya mamahalin nang totoo, iyon ang mali. Gusto rin ni Madie ng maperang boyfriend at nahanap niya nga iyon. Maayos naman sanang girlfriend si Madie kaso si Larry, masakit magsalita, ayaw na ayaw nitong nag-aayos siya at madalas niyang insultuhin si Madie. Kaya nang bumalik ito sa ibang bansa, nakahinga-hinga nang maluwag si Madie at nakahanap pa siya ng bagong lalaking lalambing sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Madie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 458: "Kasosyo"

    28/03/2025 Duración: 44min

    Ang pamilya ay parang negosyo at ang asawa ang kasyoso. Kaya kapag mayroong nanloko, siguradong mayroong malulugi at matatalo. Pakinggan ang kwento ni Aikee sa Barangay Love Stories.

  • Episode 457: "Baby Mama"

    26/03/2025 Duración: 46min

    Ang magpalaya ay hindi madali lalo't siya ang sanhi ng iyong mga ngiti. Pero kung para sa ikabubuti ng marami, nararapat mo itong gawin para sa ikatatahimik ng sarili. Pakinggan ang kwento ni Jill sa Barangay Love Stories.

  • Episode 456: "Manila Girl"

    24/03/2025 Duración: 01h02min

    Nagkaroon ng anak sa labas ang tatay ni Kayla. Nagtago ang tatay niya sa mga tsismoso at tsismosa ng probinsiya nila pero ang kabit at ang anak nito, araw-araw pa rin nilang nakikita. Never pinatawad ni Kayla ang kapatid niya sa labas pero nang lumuwas siya sa Maynila para magsimula ulit, doon siya nakahanap ng lalaking nagpabago ng pananaw niya sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Kayla sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 455: "3AM"

    21/03/2025 Duración: 39min

    Ang lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon. Maaaring ang akala mong sa'yo kahapon ay hindi na pala iyo ngayon. Pakinggan ang kwento ni Eron sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 454: "Magiting"

    19/03/2025 Duración: 44min

    Ang kagitingan ay hindi lang tungkol sa pagharap sa kalaban. Isa itong mahalagang katangian pero dapat may takot ka pa ring gumawa ng kamalian, hindi 'yong sugod nang sugod ka lang. Pakinggan ang kwento ni Felix sa Barangay Love Stories.

  • Episode 453: "Pares"

    17/03/2025 Duración: 58min

    Matagal nang nawawala ang nanay ni Roselie. Pero kahit matagal nang panahon nang huli silang magkasama, ramdam niya na buhay pa ang kanyang nanay at naghihintay lang ito na mahanap siya ng kanyang anak. Pakinggan ang kwento ni Roselie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 452: "Band-Aid"

    14/03/2025 Duración: 49min

    Ang sugat ay pwedeng takpan para ang sakit ay mabawasan. Pero huwag gawing panakip-butas ang isang tao dahil madudurog ang kanyang puso kung ang iyong pag-ibig ay hindi naman pala totoo. Pakinggan ang kwento ni Raiza sa Barangay Love Stories.

página 10 de 33