Barangay Love Stories

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 609:06:25
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.

Episodios

  • Episode 531: "Nakakarind"

    15/09/2025 Duración: 01h05min

    Marami ang mga batang lumaki sa hirap at pilit na umaahon habang tumatanda sila. Kaya nang magkaroon ng kakayanan sa buhay si Maryjoy, kinuha niya ang kapatid niyang si Chelsea para suportahan at pag-aralin. Kaso si Chelsea, kahit lumaki rin sa hirap ay hindi yata marunong mag-appreciate sa mga bagay na binibigay ng ate niya. Alam niya namang grabe ang hirap ni Maryjoy para buhayin sila at pag-aralin siya pero luho pa rin niya ang inuuna niya. Mahal ni Maryjoy ang kapatid niya kaya pilit niya itong iniintindi at dinidisiplina, buo pa ang pag-asa niyang magbabago ito. Ngunit hindi pala lahat ng kamalian ni Chelsea ay mapapalampas niya. Pakinggan ang kwento ni Maryjoy sa Barangay Love Stories.

  • Episode 530: "Paikot-ikot"

    12/09/2025 Duración: 42min

    Doble ang balik sa may mga masamang gawain dahil bilog ang mundo at hindi napipigilan ang pag-ikot nito. Pakinggan ang kwento ni Philip sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 529: "Deserving"

    09/09/2025 Duración: 44min

    Deserve mo ang kaligayahan, kaya laban lang dahil makakamtan mo rin ang bagay na sa'yo'y tunay na nakalaan. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 528: "Tamang Panahon"

    08/09/2025 Duración: 01h07min

    Matagal-tagal na ring naghihintay ng taong mamahalin si Eldrin. Kaya nang makilala niya si Celeste, nabuhay ang nananahimik niyang mundo. Bakasyonistang nag mo-move on si Celeste,  at si Eldrin naman ang transient owner na nag-offer na maging tour guide niya. Mabilis nagkagaanan ng loob ang dalawa sa maikling panahon nilang pagsasama kaya kahit nakauwi na si Celeste, hindi nawala ang communication nila. Lumipas ang mga buwan, sinubukan sanang manligaw ni Eldrin kaso hindi pa raw talaga handa ang dalaga na pumasok sa bagong relasyon. Kaya nang dumalang ang pag-reply ni Celeste, nirespeto naman ito ni Eldrin saka nagdesisyong mag-deactivate na lang muna para bigyan ng space si Celeste at ang sarili niya. Pakinggan ang kwento ni Eldrin sa Barangay Love Stories.

  • Episode 527: "Excess Baggage"

    05/09/2025 Duración: 40min

    Matuto sa kamalian kung ayaw ng pasanin dahil nag-iiwan ng bagahe ang mga palpak na diskarte. Pakinggan ang kwento ni Willie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 526: "Sa Kanya"

    03/09/2025 Duración: 48min

    Masasabing tunay ang pag-ibig mo sa isang tao kung sa kanya pa rin ang iyong puso kahit gusto mo nang sumuko. Pakinggan ang kwento ni Doray sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 525: "Bituin sa Lupa"

    01/09/2025 Duración: 01h08min

    Nahirapang mag-move si Celeste sa kanyang longtime boyfriend. Kahit alam niyang barumbado ito, naging magtiyaga siya sa pagmamahal rito sa pag-asang magbabago rin ang kanyang nobyo. Hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano ay umayos ang buhay ni Anton dahil sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho pero imbes na kasal ang pag-usapan, nauwi rin sila sa hiwalayan matapos ang 11 years nilang pagsasama. Pero kahit pa sinubukan niyang magliwaliw mag-isa, hirap pa rin siyang makalimot talaga. Pakinggan ang kwento ni Celeste sa Barangay Love Stories.

  • Episode 524: "Hagod"

    29/08/2025 Duración: 41min

    May mga katagang mahirap bigkasin sa harap ng mga minamahal natin at may mga bagay rin na hindi na kailangan pang sabihin dahil sapat na idaan ito sa lambing. Ikaw, anong damdamin ang sa hagod mo na lamang pinaparating? Pakinggan ang kwento ni Lanie sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 523: "Hinayang"

    27/08/2025 Duración: 41min

    Kung tama ang pag-ibig sa anak ng magulang, magmamahal din ang anak nang lubos at walang panghihinayang. Pakinggan ang kwento ni Karina sa Barangay Love Stories.

  • Episode 522: "Pangako Nating Dalawa"

    26/08/2025 Duración: 01h04min

    Dahil naging malupit kay Lemuel ang tadhana, wala na siyang gana makipagmabutihan sa mga tao. Pero dahil sa pagiging caregiver niya, nakilala niya si Lolo Cerilio. Una nilang meeting, sinindak agad ni Lemuel si lolo para mapasunod niya ito. Buti na lang ay makulit at mabagsik din si lolo. Si Lolo Cerilio na may hawig na karanasan kay Lemuel; si Lolo Cerilio na binago ang buhay para sa babaeng kanyang minamahal; at si Lolo Cerilio na hindi sumuko sa buhay, hindi tulad ni Lemuel na kahit bata pa ay parang ayaw niya nang magpatuloy pa. Pakinggan ang kwento ni Lemuel sa Barangay Love Stories.

  • Episode 521: "Lunas"

    22/08/2025 Duración: 42min

    Lahat ng bagay ay may simula at wakas kaya mabigat man ang problema, tiyak na meron itong lunas. Pakinggan ang kwento ni Kareem sa Barangay Love Stories.

  • Episode 520: "Pinagkasunduan"

    20/08/2025 Duración: 47min

    Ang tao na sumira sa kasunduan ay patunay na marami ang hindi pwedeng pagkatiwalaan. Pakinggan ang kwento ni Karina sa Barangay Love Stories.

  • Episode 519: "Pekeng Pangarap"

    18/08/2025 Duración: 01h09min

    Malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak kaya dapat higit itong pinaghahandaan. Kaso sa pamilya nina Andoy, hindi ganun ang nangyari. Mahirap na ang kanilang buhay at mas lalo pang naghirap nang mawala ang kanilang tatay. Ninais magtrabaho ng kanilang ina sa Maynila at ang kanilang lolo ang mag-aalaga kina Andoy. Hanggang isang araw, hindi na nga nagparamdam ang kanilang nanay at walang ibang choice sina Andoy kun’di buhayin ang kanilang pamilya sa tulong ng kanyang lolo na hirap na ring maghanapbuhay. Pakinggan ang kwento ni Andoy sa Barangay Love Stories.

  • Episode 518: "Cancelled"

    15/08/2025 Duración: 44min

    Makakansela ang isang bagay kahit ang plano'y pulido lalo kung hindi naman nakahanda ang isipan at ang puso. Pakinggan ang kwento ni Nikki sa Barangay Love Stories.   

  • Episode 517: "Sa Kabilang Buhay"

    13/08/2025 Duración: 43min

    Walang may alam kung anong mayroon sa kabilang buhay kaya mabuhay na lang nang tuwid, tapat, at tiwasay. Pakinggan ang kwento ni Rob sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 516: "Pahiram ng Jowa"

    11/08/2025 Duración: 47min

    Mahirap manghimasok sa relasyon ng iba, kaya iyon ang ginawa ni Judith - ang umiwas sa crush niyang si Bernard nang malaman niyang may girlfriend na pala ito. Pero paano kung si Bernard na mismo ang lumalapit sa kanya dahil hindi na raw maayos ang relasyon nito sa kanyang nobya. Walang plano si Judith na maging number 2 kaya nanindigan siya sa kanyang desisyon. Pero hanggang kailan niya kakayaning layuan ang tuksong habol nang habol sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Judith sa Barangay Love Stories.

  • Episode 515: "Sukdulan"

    08/08/2025 Duración: 45min

    Sa tuwing nahihirapan at sukdulan na ang problema, laging iisipin kung para kanino ka bumabangon sa umaga. Pakinggan ang kwento ni Annalyn sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 514: "Mahalaga"

    06/08/2025 Duración: 44min

    Huwag magpatalo sa lungkot dahil sayang ang oras. Sa halip ay tukuyin mo ang mahalaga sa'yo at kunan ito ng lakas. Pakinggan ang kwento ni Martin sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 513: "Pangarap na Bituin"

    04/08/2025 Duración: 01h02min

    Natural na ang maraming hirap sa buhay pero madalas mas pinapahirap pa ito ng mga taong nakapaligid sa iyo. Tulad na lamang ng tiya at tiyo ni Alexy, nananahimik naman ang kanilang pamilya pero naging gawain na talaga ng matatandang ito na yabangan at paringgan ang pamilya nila. Pakinggan ang kwento ni Alexy sa Barangay Love Stories. 

  • Episode 512: "Tatsulok"

    01/08/2025 Duración: 47min

    Hindi pwedeng hindi sadya ang pangagaliwa. Dahil wala dapat kasalo sa isang relasyong sagrado. Pakinggan ang kwento ni Elias sa Barangay Love Stories. 

página 7 de 33