Sinopsis
Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.
Episodios
-
Episode 571: "Malas"
12/12/2025 Duración: 42minWalang may gustong makaranas ng pagpapasakit lalo pa kung magulang mo mismo ang magpapahirap sa'yo. Sa kasamaang palad, ang pamilya nina Dionna ay dumanas ng pagmamalupit sa kanilang padre de pamilya. Dumating ang panahon na dinemanda nila ito at nilayasan. Pero nang pinagdudusa na ng panahon ang tatay nila, nagawa pa rin siyang tulungan nina Dionna. Kaso ang kanilang ama, parang hindi pa rin talaga nagtatanda. Pakinggan ang kwento ni Dionna sa Barangay Love Stories.
-
Episode 570: "Tagahugas"
11/12/2025 Duración: 42minNasanay na talaga ang iba sa ating mga kababayan na iasa sa kanilang mga anak ang pag-ahon nila sa kahirapan. Kaya nagkaroon ng hinanakit si Tiya Luz kina Carissa dahil ito ang nagsakripisyo para iahon ang kanilang mag-anak noon. At bilang kapalit, si Tiya Luz naman ngayon ang sa kanila'y magpapasakit. Pakinggan ang kwento ni Carissa sa Barangay Love Stories.
-
Episode 569: "Bantay na Pagtingin"
10/12/2025 Duración: 48minMinsan, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan at alitan sa pinagtatrabahuhan. Buti na lang ay may Desirey sina Dina at Domeng na handang makinig at umintindi sa kanilang kwento. Pero mahirap pagbatiin ang mga taong naubos na ang tiwala sa iba. Pakinggan ang kwento ni Desirey sa Barangay Love Stories.
-
Episode 568: "Hintayan"
09/12/2025 Duración: 45minKonduktor ang mag-asawang si Ito at Nene. Tulad ng iba, nahihirapan man sila sa buhay ay masaya naman sila kapag nagsasama-sama lalo pa't nakakilala sila ng anghel sa lupa sa katauhan ni lola Gertrude. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
-
Episode 567: "Kutis"
07/12/2025 Duración: 51minMarami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama’t foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo’t artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase niyang si Rica. At ang mahiyaang foreignoy, napasagot ng dalaga. Pakinggan ang kwento ni Alejandro sa Barangay Love Stories.
-
Episode 566: "Payaso"
05/12/2025 Duración: 38minIsusubo na lang sa sarili, ibibigay pa sa mga anak dahil gawain 'yan ng magulang para mapanatili ang ngiti at maibsan man lamang ang kanyang pag-iyak. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love Stories.
-
Episode 565: "Ginagampanang Papel"
03/12/2025 Duración: 42minAng buhay mo ay parang isang pelikula na ikaw ang bida. Maaaring alam mo ang bawat kabanata nito pero hindi mo pa hawak ang wakas ng istorya. Kaya huwag magpagapos, maaari pang mairaos ang karanasang masalimuot. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.
-
Episode 564: "Litong-lito"
02/12/2025 Duración: 44minMatagal nang magkarelasyon si Patrice at Jay, nasa punto na rin sila kung saan gusto na nilang magpakasal pagbalik ni Jay galing ibang bansa. At kahit pa nagkakaroon sila ng malaking pagtatalo, napapatawad pa rin nila ang isa’t-isa. Hanggang sa magkaalaman na ng mga sikreto. Sa kasalanang nagawa ni Patrice, napatawad siya ni Jay. Pero ang sikreto ni Jay, hindi sigurado si Patrice kung mapapalampas niya iyon. Pakinggan ang kwento ni Patrice sa Barangay Love Stories.
-
Episode 563: "Palda"
28/11/2025 Duración: 39minAng pagkatao'y hindi nababawasan anuman ang kasuotan basta ilagay lang sa tama ang nararamdaman. Pakinggan ang kwento ni Jaq sa Barangay Love Stories.
-
Episode 562: "Vacancy"
26/11/2025 Duración: 40minIwanang bakante ang puso para sa taong karapat-dapat at huwag sa tao na hindi alam kung paano maging tapat. Pakinggan ang kwento ni Laarni sa Barangay Love Stories.
-
Episode 561: "Panimdim"
24/11/2025 Duración: 53minWalang tao ang gustong maghirap sa buhay lalo na ang nanay ni Coleen. Kaso imbes na magulang ang magtaguyod sa malaki nilang pamilya, kay Coleen nila nakita ang pag-asa. At para sa batang Coleen na nais lang makitang masaya ang kanyang nanay, napilitan siyang gayahin ang ginagawa ng kanyang pinsan na sustentado na dahil sa pakikipag-video call sa mga banyaga. Guminhawa nga ang kanilang buhay kahit papaano pero nang mag disiotso na si Coleen, ninais niya namang makabalik sa pag-aaral pero ito'y ikagagalit pala ng kanyang nanay. Pakinggan ang kwento ni Coleen sa Barangay Love Stories.
-
Episode 560: "Karma ni Bes"
21/11/2025 Duración: 45minAng work bestie ni Frances, super galing gumawa ng kwento kaya kahit mga bagay na hindi niya ginagawa naibibintang sa kanya ng mga katrabaho nila. At pati ang lalaking bet sana ni Frances, nagbago bigla ang pagtingin sa kanya. Pero maniwala ka man o hindi sa karma, asahang babalik ang lahat ng ginagawa, mabuti man o masama. Pakinggan ang kwento ni Frances sa Barangay Love Stories.
-
Episode 559: "Miyerkules"
19/11/2025 Duración: 01h37sMisis, hinihintay pa rin si mister na matagal nang hindi umuuwi. Matagal na panahon na pero ang landlady ni Innana, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na uuwi pa rin ang mister niya. Kaya sariwain ang bawat araw na nabubuhay ka sa mundo dahil walang oras ang pareho sa pagtakbo ng bawat segundo. Pakinggan ang kwento ni Innana sa Barangay Love Stories.
-
Episode 558: "Alinlangan ng Puso"
17/11/2025 Duración: 44minKinailangan magsipag ni Ara para maging maayos ang kanyang buhay at syempre idadamay niya ang kanyang pamilya roon. Kaya kahit na nakuha na niya ang mga gusto niya, hindi niya tinigil ang paghangad pa nang mas mataas at malawak na pangarap. Kaso dahil sa pagiging workaholic niya, naging matamlay ang relasyon niya sa kanyang long-time boyfriend na si Ryan. Kasabay noon ang paghiling pa ni Ryan na magkaroon na sana sila ng anak pero ayaw niya talaga muna itong pagbigyan. Pakinggan ang kwento ni Ara sa Barangay Love Stories.
-
Episode 557: "Pagpapanggap na Pagtanggap"
14/11/2025 Duración: 39minKapag tanggap mo ang isang bagay, hindi ito kailangang pagtiisan nang sobra, kaya maging tapat dahil panloloko lang sa sarili kung nagkukunwari ka lang pala. Pakinggan ang kwento ni Roda sa Barangay Love Stories.
-
Episode 556: "Tribute"
12/11/2025 Duración: 54minHuwag mong pansinin ang sinasabi ng iba dahil ikaw lang ang nakakakilala kung sino ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Lorie sa Barangay Love Stories.
-
Episode 555: "Mahigpit na Yakap"
11/11/2025 Duración: 57minAng pamilya ay hindi lang nasusukat sa dugo. Minsan, ito’y nabubuo sa pagitan ng mga taong pinipiling manatili at magmahal kahit walang kapalit. Ulila na si Jeboy kaya napunta siya sa kanyang masungit na tiyahin. Pero nang humingi siya ng tulong dito dahil pinagsasamantalahan pala siya ng kanyang tito, imbes na ipagtanggol ay pinalayas pa siya nito. Masipag naman si Jeboy, maraming pinagdaanan pero walang sinukuan. Hanggang isang araw, nakilala niya sa inuman si Rafa. Lalalim ang kanilang pagkakaibigan at sa paglipas ng panahon, hindi niya aakalaing magagawa sa kanya ni Rafa ang isa sa kanyang kinakatakutan. Pakinggan ang kwento ni Jeboy sa Barangay Love Stories.
-
Episode 554: "Makasarili"
07/11/2025 Duración: 37minAng pag-ibig ay isang bisyo na kapag hindi na-kontrol, ginagawang sakim at makasarili ang isang tao. Pakinggan ang kwento ni Sabel sa Barangay Love Stories.
-
Episode 553: "Lata"
05/11/2025 Duración: 42minSamahan mo ang iyong anak sa pag-abot ng kanyang pangarap at huwag siyang itali sa sarili mong mga layunin. Tulad ng mukhang-perang tatay ni Arlan, na binugaw siya sa foreigner para mas madali ang pasok ng salapi sa pamilya. Pakinggan ang kwento ni Arlan sa Barangay Love Stories.
-
Episode 552: "Anino"
03/11/2025 Duración: 53minAminado si Joana na matatakutin siyang tao. Pero sa kabila nito, mas pinili niya pa ring manirahan nang mag-isa sa apartment dahil akala niya mas matatahimik siya kapag ganun. Hanggang sa isang araw, may nag-iwan ng box sa labas ng kanyang pintuan kasama ang isang sulat na para bang tinatakot at pinagbabantaan siya. Ang masaklap, nagpatuloy ang ganung pangyayari hanggang sa pati sa loob ng kanyang apartment ay para bang may nagpaparamdam na rin pero hindi nila ito makita-kita. Pakinggan ang kwento ni Joana sa Barangay Love Stories.