Barangay Love Stories

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 609:06:25
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

Love stories from listeners of Barangay LSFM are featured in this weekly radio program. Listen in as Papa Dudut reads the letter of a "kabarangay" who shares his/her heartfelt experience. A dramatization brings the audience closer to feeling the joy, the pain, the ups and downs of being in love--something that each one of us can relate to.

Episodios

  • Episode 611: "Sa 'Ting Tagpuan"

    06/02/2026 Duración: 42min

    Hindi na maibabalik ni Roger ang nakaraan kung saan ang babaeng nagmahal sa kanya nang buo at lubusan ay niyaya niyang makipagtanan. Pero galing sa mayamang pamilya si Roger at ang mommy niya ay hindi sang-ayon sa babaeng kanyang minamahal.  Pakinggan ang kwento ni Roger sa Barangay Love Stories.

  • Episode 610: "Bulak"

    05/02/2026 Duración: 46min

    Ang pagtitiwala ay pwedeng masira at kailangan ng panahon para maghilom nang kusa pero huwag mong pabayaan, alagaan at diligan mo pa rin upang muling tumatag ang tiwalang minsang binalewala.  Pakinggan ang kwento ni Jovilyn sa Barangay Love Stories.

  • Episode 609: "Sangdosena"

    04/02/2026 Duración: 43min

    Ang maayos na kinabukasan ng iyong mga anak ang pinakamagandang kayamanan na maipapamana mo sa kanila.  Pakinggan ang kwento ni Madel sa Barangay Love Stories.

  • Episode 608:"Paborito"

    03/02/2026 Duración: 46min

    Nang makilala ni Alona ang lalaking gusto na siyang pakasalan, akala niya ay sasaya na talaga ang buhay. Pero single mom si Alona, may anak siya sa una niyang kasintahan at hindi pala iyon tanggap ni Winston lalo na ng kanyang future mother-in-law.  Pakinggan ang kwento ni Alona sa Barangay Love Stories.

  • Episode 607: "Sibling Rivalry"

    02/02/2026 Duración: 43min

    May mga tao talagang mahilig magkumpara kahit pa magulang sila. Kaya lumaki si Kyla na insecure at inggit sa ate Nicole niya. Kahit pa mahal na mahal siya ng ate niya at mahal niya rin ito, minsan talaga ay hindi niya maiwasang magtampo lalo pa't hindi niya mapantayan man lang ang mga achievements ng mabait at mapagmahal niyang ate. Kaya nang umibig sila sa iisang lalaki, pasikretong hinangad ni Kyla na sana ay maghiwalay sila agad. Pakinggan ang kwento ni Kyla sa Barangay Love Stories.

  • Episode 606: "Porter"

    30/01/2026 Duración: 47min

    Ang pamimilit sa iba ay hindi magdadala ng kaligayahan. Ngunit ang pagtanggap ay pwedeng maging susi sa kapayapaan.  Pakinggan ang kwento ni Agatha sa Barangay Love Stories.

  • Episode 605: "Braids"

    29/01/2026 Duración: 44min

    Baunin ang mga natutunan sa nakaraan at bigyan ng pagkakataon ang sarili na muli ring magmahal sa kasalukuyan. Pakinggan ang kwento ni Reman sa Barangay Love Stories.

  • Episode 604: "Isang Daang Hiling"

    28/01/2026 Duración: 47min

    Gumawa ka ng maraming alaala kasama ang iyong pamilya, malimutan niyo man ito, masasabi mo pa ring minsang sumaya ang inyong mga puso.  Pakinggan ang kwento ni Kenzo sa Barangay Love Stories.

  • Episode 603: "Tunay na Pagtingin"

    27/01/2026 Duración: 46min

    Kaya kang palayain ng katotohanan kaya ugaliing maging tapat upang maging matiwasay ang buhay.  Ulila na sina Justin kaya protective siya sa kanyang younger sister. Pero nang malaman niyang may secret admirer ito, nagalit siya pero kailangan niya raw gabayan ito imbes na paghigpitan. Pakinggan ang kwento ni Justin sa Barangay Love Stories.

  • Episode 602: "Alipusta"

    26/01/2026 Duración: 45min

    Ang nanay nina Aria at Amelia, gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya. At ang gusto naman ni Aria ay makatulong naman sa kanyang mama. Kahit kailan hindi sila nagkulang dahil sa pagsisikap ng kanilang ina kaya nang makahanap ng trabaho, sinalo na ni Aria ang pagpapaaral sa bunso niyang kapatid upang ma-enjoy naman ng kanyang mama ang sarili nitong pension. Kaso si Amelia, masyadong nakunsinte ng kanilang ina kaya lumaking lapastangan. Pakinggan ang kwento ni Aria sa Barangay Love Stories.

  • Episode 601: "Apat na Pulgada"

    23/01/2026 Duración: 43min

    Subukan mong maging mabuti araw-araw upang maging magaan ang iyong pamumuhay.  Pakinggan ang kwento ni Jambo sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 600: "Pustahan"

    22/01/2026 Duración: 43min

    Takot man ang nagtutulak sa'yo para umiwas sa mga responsibilidad, darating ang araw sasalubungin ka nito sa hinaharap.  Pakinggan ang kwento ni Von sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 599: "Only Hope"

    21/01/2026 Duración: 46min

    Saglit lang ang oras na mayroon ang tao sa mundo kaya ibigay mo ito sa mga bagay na magpapasaya sa'yo at iwasan ang mga bagay na sasayangin lang ang mga araw mo.  Pakinggan ang kwento ni Krystal sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 598: "Mahadera"

    20/01/2026 Duración: 41min

    Ang mga salita ay may bigat na nananatili sa puso. Kaya bago bitawan ang mga ito, timbangin nang maigi kung ito ay magbibigay ng pag-asa o makakadurog ng tao. Pakinggan ang kwento ni Zina sa Barangay Love Stories.

  • Episode 597: "Nag-iisang Ikaw"

    19/01/2026 Duración: 45min

    Hindi lahat ng pag-ibig ay nasusuklian. Gaya ng pag-ibig ni Ben sa kanyang matalik na kaibigan. Simula pagkabata si Katrina na ang naging karamay niya sa hirap ng buhay. At sa kanilang pagtanda, nagkaroon nga ng lakas ng loob si Ben na magtapat ng kanyang pag-ibig. Pero nang hindi ito masuklian ni Katrina, nasiraan siya ng loob. Pakinggan ang kwento ni Ben sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 596: "Sabit"

    15/01/2026 Duración: 41min

    Hindi lahat ng nang-iiwan ay ginustong bumitaw. Yung iba ay nagpaparaya na lang kaysa mas maraming tao ang mahirapan.  Pakinggan ang kwento ni Wena sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 595: "Tag-Ulan"

    14/01/2026 Duración: 44min

    Kung hindi man naging maganda ang iyong karanasan, baunin na lang ang aral na iyong natututunan. Pakinggan ang kwento ni Gellie sa Barangay Love Stories.

  • Episode 594: "Swolemate"

    13/01/2026 Duración: 46min

    Mainam pa rin ang tao na may kapintasan pero busilak ang kalooban kaysa sa taong gandang-ganda sa sarili pero bulok naman ang ugali. Pakinggan ang kwento ni Steve sa Barangay Love Stories.  

  • Episode 593: "Saklay"

    13/01/2026 Duración: 45min

    Huwag hayaang mangibabaw ang galit sa iyong kalooban. Sikapin na pang-unawa ang mauna at maging kalmado ang puso't isipan. Pakinggan ang kwento ni Efraim sa Barangay Love Stories.

  • Episode 592: "Meant To Be"

    12/01/2026 Duración: 50min

    Bata pa lamang si Raul at Donna, planado na ang future nila together. Mag-BFF ang kanilang mga ina at bago pa sila pinanganak, ninais na talaga silang ipakasal sa isa’t-isa. Pero dahil lumaking magkasama at magkasangga, hindi romantic feelings ang nabuo kay Raul, kapatid ang naging turing niya kay Donna at hindi future asawa. Pakinggan ang kwento ni Raul sa Barangay Love Stories.  

página 3 de 33